DAGUPAN CITY- Dapat na respetuhin ang karapatan ang karapatan ng mga tsuper na maipahayag ang kanilang saloobin ukol sa modernization program.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bernard Tuliao, ang presidente ng AUTOPro Pangasinan, karapatan ng mga tsuper na maiparating ang kanilang saloobin at magsalita tungkol sa mga isyung nakakaapekto sa kanilang kabuhayan.

Aniya, bagamat tahimik ang kalagayan sa Pangasinan at patuloy na sumusuporta sa mga programa ng gobyerno, kailangan ding marinig ng LTFRB ang mga hinaing ng mga tsuper kaugnay sa pagpapahinto ng modernization program, lalo na sa mga naglabas ng mga malalaking halaga.

--Ads--

Hindi pa aniya handa ang maraming tsuper para sa programa dahil sa mga naging consolidations, at kailangan ng mga klarong patakaran mula sa DOTR, lalo na sa mga traditional jeepneys.

Sa kabila nito, may mga lugar pa ring maayos ang kalagayan ng mga traditional jeepneys.

Inihayag din ni Tuliao na hindi nila minamadali ang mga hakbang ng gobyerno, at kaya pang balansehin ang mga bagong taas-presyo sa krudo, dahil may mga fuel subsidy na inaasahan ang mga tsuper.

Samantala, pinayuhan din ang mga tsuper na mag-ingat sa init ng panahon, lalo na at dumadami ang kaso ng heatstroke.