Posibleng maagapan pa umano ang sakit ni dating US President Joe Biden.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins- Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, sinabi nito na bagamat maituturing na agresibo ang kanyang karamdaman ay responsive sa treatment ang sakit nito.

Saad pa nito na si Biden ang naging pinakamatandang presidente ng Amerika na dinapuan ng prostate cancer.

--Ads--

Naniniwala rin si Adkins na maaring may iba pang seryosong sakit ang dating pangulo pero hindi na isinapubliko pa.

Noong siya ay presidente pa aniya ay minsan ay nakiita siyang nadapa o nahulog sa kanyang kinaroroonan pero hindi na dapat ikagulat pa dahil matanda na rin ito.

Sa kasaysayan aniya ng Amerika, ang prostate cancer ay pumapangalawa sa lung cancer na sanhi ng ikinamamatay sa nasabing bansa.

Una rito ay ibinunyag ng kampo ng dating pangulo na na-diagnosed siya ng agresibong uri ng prostate cancer.

Kumalat na umano sa mga buto ng dating pangulo ang nasabing cancer.

Lumabas ang diagnosis na prostate cancer na maituturing na Gleason score 9 o Grad Group 5.