BOMBO DAGUPAN- Isang umanong pagkakataon para sa mga Barangay at Sangguniang Kabataan Officials ang panukalang term extension upang mapatupad pa ang kanilang mga proyekto at programa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lloyd Jethro Zaplan, Presidente ng Liga ng Barangay President sa bayan ng Sta. Barbara, magbibigay din ito sakanila ng oportunidad na mabigyan pa ng mas matatag na pamumuno ang kanilang mga programa.

Aniya, sa mahabang termino ay maaaring magdulot ng epektibong serbisyo dala-dala ang pangmatagalang epekto ng mga proyekto.

--Ads--

Saad pa ni Zaplan, hindi sapat ang 2 taon panunungkulan para magpatupad ng magagandang proyekto at programa.

Gayunpamaman, nakapagbigay pa rin aniya sila ng pupuna sa mga pagkukulang sa kanilang barangay subalit, mga short term projects lamang.

Kaya dapat lamang na bigyan pansin ng kongreso ang isinusulong na term extension.

Napapanahon na din kase aniya na maibigay na ang Magna Carta for Officials dahil ang mga barangay officials ang frontline ng serbisyo publiko at direktang humaharap sa pangangangailangan ng isang komunidad.

Kaugnay nito, ang nasabing Magna Carta ang magbibigay sakanila ng nararapat na karapatan, benepisyo, at pagkakilala bilang tagalingkod sa bayan.

Hindi lamang ito magpapataas ng kanilang morale kundi isang malaking tulong para mapabuti ang kanilang kakayahan sa paglilingkod.