Dumating ang panibagong hanay ng mga sundalong Europeo sa Nuuk, Greenland, kabilang ang military personnel mula sa Germany, bilang bahagi ng pinalakas na presensyang militar ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa rehiyon.

Ayon sa mga opisyal, ang pagdating ng mga sundalo ay tugon sa kahilingan ng Denmark na humingi ng karagdagang suporta mula sa mga kaalyadong bansa ng NATO.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng kontrobersiyal na pahayag ni U.S. President Donald Trump na nagbantang sasakupin ng Estados Unidos ang Greenland, isang autonomous territory na sakop ng Kingdom of Denmark.

--Ads--

Bukod sa mga tropang dumating na sa Nuuk, inaasahan ding magtutungo sa Greenland ang mga sundalo mula sa France, Germany, United Kingdom, Norway, at Sweden.

Ang mga puwersang ito ay lalahok sa serye ng joint military exercises na layong palakasin ang kooperasyon, kahandaan, at kakayahan ng mga bansa ng NATO sa harap ng mga hamong pangseguridad sa Arctic region.