DAGUPAN CITY- Patuloy pa rin tinitiyak ng mga kapulisan ng San Jacinto sa lalawigan ng Pangasinan ang kaligtasan ng mamamayan sa bayan, lalo na ang mga aspiring public officials.

Ayon kay PMaj.Napoleon Velasco, Jr., Acting Chief-of-Police ng San Jacinto MPS, sinisiguro nila ang seguridad ng mgaa aspiring public officials na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) sa nakaraang 8 arawpara sa 2025 midterms elections.

Sinusubaybayan nila ang mga lugar ng mga aspirant upang matiyak nila ang kaligtasan ng mga ito at maging ang bayan.

--Ads--

Ani PMaj. Velasco, ito ay bahagi ng kanilang hakbang para masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa darating na halalan.

Aniya, umpisa palang ito ng mga kaganapan para sa halalan kaya mananatili ang kanilang pagpapalakas ng presensya ng mga kapulisan, kabilang na sa kanilang ginagawa ay ang pagronda.

Tuloy-tuloy din ang kanilang pakikipagtulungan sa Commission on Election (COMELEC) upang mas maayo ang pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon ng halalan.

Dagdag pa niya, mahalaga ang mabantayan ang seguridad sa panahon ng eleksyon upang maiwasan ang anumang karahasan o hindi pagkakaunawaan.

Sa tingin naman ni PMaj. Velasco na magiging maayos ang takbo ng 2025 Midterms Elections sa kanilang bayan, tulad ng mga nagdaang halalan sa kanilang bayan kung saan walang naitalang insidente.