Magarbo ang mga handaan at may mga party sa bawat bahay sa pagdiriwang ng pasko sa Bahamas.

Ayon kay April Duallo – Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa huling linggo pa lamang ng buwan ng Nobyembre ay naghahanda na sila para sa kapaskuhan kung saan ang mga malls at pasyalan ay may mga christmas decors na gayundin mayroon na ding sales at mga bentang panregalo.

Bagama’t ay walang simbang gabi doon hindi katulad sa Pilipinas ay nagtitipon-tipon naman ang mga Filipino Community para magkaroon ng simbang gabi.

--Ads--

Tinatayang nasa humigit-kumulang 1000 pinoy ang naroon sa nasabing bansa kaya’t kapag sumasapit na ang kapaskuhan ay nag-iipon ipon silang magkakaibigan upang kumain at maghanda.

Samantala, karaniwan namang inihahanda roon tuwing holiday ay ham at turkey, gayundin ang mga sesfoods, mac and cheese at iba pang side dishes.

Mayroon din silang gift giving subalit ang pangangaroling naman sa kanila ay hindi bahay-bahay ngunit sa mga gated communities lamang.