BOMBO DAGUPAN – Iginiit na walang bahid pulitika ang pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman ang kampo ng mga complainant kaugnay sa disallowances na nagkakahalaga ng mahigit P7 milyon kay Vice Mayor Simplicio ‘ Sammy’ Rosario ng bayan ng Binmaley.
Ang mga complainant sa kaso ay sina former Binmaley Mayor Lorenzo ‘Enzo’ Cerezo, dating Councilor Douglas delos Angeles, Jojo Javier at Leon ‘Elorde’ Castro Jr.
Ayon kay Elorde Castro, walang kinalaman ang pulitika sa kasong isinampa kay Rosario dahil naman sila tatakbo sa anumang posisyon.
Aniya, bilang taxpayer, nais nilang panagutin sa da batas ang mga taong gumagawa ng irregularidad sa paggastos sa pera ng mga taga-Binmaley.
Dagdag pa nito na huwag linlangin ng bise alkalde ang publiko na ang kaso nito ay puro black propaganda at politically-motivated sa Ombudsman.
Kanya ring hinamon si VM Rosario na ipakilala ang tunay na may ari ng CITRON Builders and Supplies.
Matatandaan na nagharap ang dalawang kampo para sa isang clarifatory hearing sa Ombudsman.
Nakita ng mga complainant bilang miyembro ng transition team ang disallowances ni Rosario ngunit hindi pa nila ito isinampa hanggang sa dumating ang report ng Commission on Audit (COA) sa Binmaley School building project na umanoy double pay at overcharging sa halagang P4,049,195 at P3,765,216.
Binigyang diin pa ni Castro na dapat ay magsabi ng katotohanan at huwag linlangin ni Rosario ang mga tao sa mga kasong kinakaharap niya sa Ombudsman.
Samantala, muling nanindigan si VM Rosario na nangyari lang ang lahat ng mga kaso nang inanunsyo ito na tatakbo siya sa nalalapit na 2025 Electiong bilang alkaldeng sa kanilang bayan.
Binigydang diin pa nito na sa 15 taon nitong naging alklade ay alam na nito ang mga limitasyon niya sa serbisyo.
Dagdag pa nito, inaasahan pa niya ang mga darating na iba pang kaso ngunit paglilinaw niya na hindi ito natatakot at handa nitong harapin ang mga inihain sa kaniya ng may katapatan.
Binmaley Vice Mayor Simplicio “Sammy” Rosario, nakatakdang magbayad ng higit 7 Milyong Piso
Binmaley Mayor Sammy Rosario, makakaawat na pasakbay diad bilay, P1 milyon inyopresi na sakey ya grupon manlabay ya mamatey ed sikato
Binmaley Vice Mayor Sammy Rosario, dumepensa sa P7.8Milyon na disallowances sa naging proyekto at nanindigang handang humarap sa Office of the Ombudsman