DAGUPAN, City – Nagwagi ng First Prize sa 70th edition ng prestihiyosong Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang dalawang mag-aaral mula sa lungsod ng Dagupan.
Ang 12-year-old twin sisters na sina Glorious Zahara Exylin Alesna at Glorious Zavannah Exylin Alesna na kapwa Grade Eight students ng St. Albert the Great School sa barangay Malued ay hinirang na winners sa Essay Categories sa English at Filipino ng Kabataan Division ng patimpalak.
Ang ‘Home is a Bowl of Warm Soup’ ni Zahara at ang ‘Pamimintana’ ni Zavannah ang kanilang winning entries.
Sa taong ito, 59 writers para sa 22 writing categories ang kinilala at halos kalahati dito ay mga first-time winners sa naturang patimpalak.
Matatandaang makalipas ang dalawang taon, nagbabalik ang Carlos Palanca Memorial Awards na ipinangalan kay businessman-philanthropist Carlos Palanca Sr., upang parangalan at magbigay ng incentives sa mga Filipino writers.
Ang naturang award-giving body na inorganisa ng Carlos Palanca Foundation, Inc., at mga elite literary luminaries ang nag-suri sa lahat ng winning entries.