DAGUPAN CITY- Tila kahina-hinala umano anilang ilang opisyal ang kondisyon ni dating US President Jose Biden dahil sa kaniyang nakukuhang medical attention.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent in USA, under the case aniya si dating pangulong Joe Biden na nagkaroon ng ganitong sakit dahil may access siya sa best medical care.

Nagpahayag din ng panghihinala si US President Donald Trump na hindi ito agad agad nadetect.

--Ads--

Maraming kritisismo rin ang lumalabas ukol sa nasabing usapin.

Posible aniya na matagal na ang sakit ng dating pangulo ngunit ngayon lang inilabas sa publiko.

Marami ring nakikisimpatyang mga mamamayan roon dahil na rin sa kaniyang katandaan

Samantala, marami ring nagcicirulate na may mga binayaran si dating Vice President Kamala Harris na mga celebreties sa pangangampanya.

Kailangan pa aniya ng masusing imbestigasyon dahil malaki ang magiging epekto nito sa kaniyang political career.

Maselan din aniya ang halalan sa nasabing bansa kayat marmai ang pasikot sikot nito.