BOMBO DAGUPAN – Kasal na ang TV and movie personality na si Kaladkaren, Jervi Li sa totoong buhay, sa kanyang British fiancé na si Luke Wrightson.

Ginanap ang kasal sa ceremonial county na Scarborough, North Yorkshire, sa England.

Gusto raw sana nina Kaladkaren at Luke na isang “sunny day” ang kanilang kasal, pero biglang naging maulap ang kapaligiran at halos wala nang makita.

--Ads--

Pero sa kabila nito, pakiramdam nito ay siya ang pinakamasuwerteng babae.

Na-engage si Kaladkaren sa boyfriend na si Luke noong September 9, 2020.

Inanunsiyo niya ang engagement nila ni Luke sa pamamagitan ng Instagram noong September 9, 2020.

Pero hindi malinaw kung noong araw na iyon ba talaga ang kanilang engagement.

Nagkaroon naman ng second proposal si Luke sa kanya noong July 25, 2024.

Noong araw na iyon, ibinahagi ni Kaladkaren ang mga kuhang litrato ng second proposal sa kanya ng nobyo na nangyari pa mismo sa kalagitnaan ng prenup shoot nila sa London.

Halos labindalawang taon na ang relasyon ng dalawa