DAGUPAN CITY- Hindi pa aasahan ang kakulangan ng suplay ng itlog sa mga darating na buwan, taliwas sa pahayag ng Department of Agriculture dahil sa mataas ng produksyon ng poultry sa ating bansa ngayong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Francis Uyehara, Presidente ng Philippine Egg Board Association, nakikita ng grupo na mas mataas ang produksyon ng itlog ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.
Aniya, lumiliit lamang ang sizes ng mga itlog sa summer season dahil sa init ng panahon na nagiging dahilan ng pagkatamlay ng mga inahing manok.
Ito rin umano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng surplus o sobrang suplay ng mga maliliit na itlog.
Dagdag niya, maraming mga dahilan kung bakit hindi kinakikitaan ng grupo ang kakulangan sa suplay tulad ng repopulation ng mga inahin.
Aniya, bababa rin ang demand ng nasabing produkto sa pagpatak ng summer season kaya’t mayroong mataas na suplay sa mga darating na mga buwan.