Kasalukuyang nagpapatuloy ang 5- araw na Basic Life Support Training ng mga kawani ng Rural Health Office (RHU) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Manaoag upang mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga emergency at mapataas ang kahandaan sa pagliligtas ng buhay.
Layunin ng hands-on training na ito na bigyan ng kaalaman at kumpiyansa ang mga frontliners upang makatugon nang mabilis at mabisa sa mga kritikal na sitwasyon.
Ang pagsasanay ay naglalayong mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pagbibigay ng agarang tulong medikal, na mahalaga sa pag-sagip ng buhay sa mga panahon ng sakuna o emergency.
Nagpapakita ito ng isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan at disaster preparedness sa munisipalidad.
Inaasahan na ang mas mahusay na paghahanda ng mga frontliners ay magdudulot ng mas mabilis at mas epektibong pagtugon sa mga emergency, na makatutulong sa pag-iwas sa mga kaswalidas at pagkasugat.
Patunay ito ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na siguraduhin ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.