DAGUPAN CITY- Dapat na sanayin ng mga mamamayan ang kanilang kahandaan sa oras ng sakuna lalong-lalo na sa lindol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Freddie C. Evangelista, Information Officer II ng Office of the Civil Defense Region 1, dapat na laging handa ang lahat ng mamamayan dito sa Rehiyon Uno sa oras ng pagdating ng lindol.

Aniya, katuwang ng nasbaing opisina ang ilang mga sangay ng pamahalaan at ilang mga boluntaryo.

--Ads--

Mahalaga aniya ang pagsasagawa ng earthquake drill dahil ang lindol ay isang kalamidad o isang pangyayaring maaaring magbigay ng hindi kaaya-ayang epekto nang walang ipapkitang senyales o warning kung kailan darating.

Pinaiigting din ng kanilang opisina ang lahat ng programang maaari nilang ibigay sa mga mamamayan upang maging maayos ang lahat sa oras ng sakuna.