Patuloy lumalaki ang kaguluhan sa Mozambique dahil sa di umano’y pandaraya sa eleksyon.

Nagpaputok na ng baril ang mga kapulisan at nagbato na ng tear gas sa mga nagpoprotesta.

Hinarangan naman ng mga protesters ang mga daan gamit ang pagsusunog ng gulong at barricades.

--Ads--

Marami nang naaresto ang mga kapulisan at hindi naman bababa sa 26 ang sugatan at dinala sa pagamutan.

Nagsimula ang kilos protesta kay independent presidential candidate Venancio Mondlane matapos niyang isisis sa security forces ang pagpaslang sa kaniyang lawyer at isang political official noong biyernes.

Noong nakaraang biyernes lang din lumabas ang official result ng general election na inaasahan noong Oktubre 9.

Nakitaan naman ng ebidensyang nagpapatunay ng iregularidad noong bilangan ng boto at ang hindi makatarungang pagbabago ng election result sa polling station at district level.

Hinihimok naman nilang magsagawa ng tabulation process ang mga kinauukulan.