DAGUPAN CITY- Naniniwala si Prof. Roland Simbulan, Chairperson ng Center for People’s Empowerment in Governance, na maaari pang lumawak ang kaguluhan sa Middle East ngayong pinaslang ng Estados Unidos si Prime Minister Ali Khamenei.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya, malaki ang impluwensya ni Khamenei sa politika at relihiyong Muslim at maaari itong maging mitsa ng ikalawang 9-11 incident.

Giit ni Simbulan, isang traydor na pag-atake ang ginawa ng US sa Iran sapagkat ginawa ito habang nagkakaroon ng negosasyon ang dalawang bansa.

--Ads--

Aniya, hindi terorismo ang pag-atake ng Iran bagkus, counterattack lamang ito mula sa US na nagsimula ng mga pag-atake.

Sumiklab kase ang kaguluhan dahil sa hindi sang-ayon ang US sa hindi pagpabor ni Khamenei sa kagustuhan ni US Pres. Donald Trump, partikular na ang hindi pagkakaroon ng nuclear weapon sa Iran.

Gayunpaman, walang karapatan ang US na pigilan ang ibang bansa sa paggawa ng kanilang sariling armas.

Saad pa ni Simbulan na hindi Iran ang dapat magkaroon ng regime change kundi ang US dahil sa uri ng pamumuno ni Trump.

Bukod sa pangingialam nito sa ibang bansa, maging sa sarili nitong nasasakupan ay nakakaranas ng hindi makatarungang pagtrato ang mga imigrante.

Naniniwala rin siya na ang pag-atake ni Trump sa ibang bansa ay paglilihis nito sa pagkakasangkot niya sa Epstein files at mapanatili ang patriotismo ng mga tao sa Estados Unidos.

Samantala, nagpaalala si Simbulan na kailangan maging maingat ang Pilipinas na bigyan pahintulot ang US na gamitin ang bansa, partikular na sa EDCA sites, upang maiwasan na madamay sa giyerang sumiklab sa Middle East.