BOMBO DAGUPAN- Apektado parin ang kabuhayan ng mga mangingisda dahil sa epekto ng oil spill. Sa mga lugar katulad na lamang ng Bataan maging ang cavite ay kasalukuyang may ipinapatupad na fishing ban.
Ayon kay Fernando Hicap – National Chairperson – Pamalakaya Pilipinas na gutom ang inaabot ng mga mangingisda na apektado ng nasabing fishing ban kung saan dahil dito ay wala sila ngayong kabuhayan gayundin ang mapagkukuhanan ng makakain.
Aniya na bagamat ay may ipinaabot na tulong ang gobyerno ay hindi ito sapat lalo na at ilang linggo na rin na walang hanap buhay ang mga naapektuhan.
Noong nagdaang bagyong Carina ay halos hindi makalaot ang ating mga mangingisda at imbes na sana ay makabawi sila ay dumagdag pa itong nangyaring insidente.
Saad pa niya na sana ay magkaroon ng kaukalang kaparusahan ang mga reponsable ukol dito kung saan hindi lamang kabuhayan ng mga mangingisda ang apektado, kundi maging mga marines.
Samantala, saan aniya ay tiyakin din ng gobyerno na hindi mapagsamantala ang traders asa mga consumers kaugnay sa presyo ng mga isda gayong marami naman sa iba’t ibang parte ng bansa ang nakakapaglaot.
Nagpaalala naman ito sa mga mangingisda at naninirahan malapit sa dagat ay magkaroon ng volunteerism sa paglilinis ng apektadong karagatan.