Maaaring asahan ng Filipino fans ang isang “exciting show” ng K-pop singer na si Jay B sa pagbabalik nito sa Pilipinas ngayong Marso.

Ang 31-anyos na singer, na kilala bilang leader at vocalist ng boy group na GOT7, ay magtatanghal sa SMX Convention Center sa darating na Marso 2 bilang bahagi ng kanyang “Tape: Re Load” tour sa Manila.

Sa isang video na ipinost ng Wish Us Luck, ang local producer ng event, sinabi ni Jay B na masigasig siyang naghahanda para sa concert.

--Ads--

Kung saan aniya dahil tag-init na sa pinas kaya sisiguraduhin niyang mas paiinitin pa ito sa pamamagitan ng mga performances na ihahanda niya para sa mga fans.

Bago naman matapos ang video, nagsalita si Jay B sa Filipino ng: “Punta po kayo ha? Kita-kits!”

Ang mga ticket para sa concert, na nagkakahalaga ng P3,500 hanggang P15,000, ay sinimulang ibenta noong Enero 26.