BOMBO DAGUPAN- Hangad ng National Confederation of Transport Workers Union ang pagkakaroon ng ‘just transition’ sa Public Utility Vehicle Modernization Program kaysa suspedihin ito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jaime Aguilar, Secretary General, ng nasabing union, bukas man sila sa gagawing pag-aaral ng senado kaugnay sa pagsuspend ng programa subalit, hindi pa rin biro ang multi-million na inutang sa bangko ng mga nagpaconsolidate.
Kaya upang magkaroon ng pag-abante sa nasabing programa, dapat pagtuonan na lang ng pansin ang ‘just transition law’ upang magkaroon ng sapat na public funding at proteksyon sa interes ng mga manggagawa at kooperatiba.
Aniya, makakatulong ito upang maitama ang mga pagkukulang sa mga polisiya sa loob ng Land Transportation and Regulatory Board at Department of Transportation.
Giit naman ni Aguilar, hindi nakakatulong sa programa ang pagsusulong nito subalit, magkakaroon din ng pagsuspend. Mawawalan lamang ng mga institusyon na magpapautang dahil walang kasiguraduhan ang programa.
Gayunpaman, dapat maging bukas ang senado sa lahat at sa pamamaraang ito, mas mapapatibay ang kapasidad ng bansa upang makapaglunsad ng eco-friendly modernized jeepneys. Nakailan na din kase aniya ng proposal ang kanilang union sa senado subalit hindi nabibigyan ng maayos na pagdinig dulot ng biglang pagsuspinde.
Mayroon din aniyang mga pondo sa ibang programa ng gobyerno na maaarin naman ilipat sa PUVMP.
Kaugnay nito, tiyak na mawawala ang pagtutol kung garantisadong protektado ang mga makikiisa sa transition.