Dagupan City – Usap-usapan ngayon sa social media ang balitang hiwalayan ng mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles.
Matapos na magkomento si Priscilla sa recent Instagram post ni John habang nagbabakasyon ang aktor sa Boracay.

Ipinakita kasi sa post ni John sa litrato ang view ng hotel na kanya ngayong tinutuluyan.

Ayon sa ulat, imbes na makisakay siya sa biruan ng netizens, ibinuking ni Priscilla na wala kina Lena at Marites ang kasama ni John sa Boracay.

--Ads--

Dagdag pa ang post na nakatag sa user na si Lily Hallman na may nakalagay na “Looking very divorced Mr. Estrada”.
Agad namang naintriga ang netizens na may pinagdaraanan ang dalawa dahil nang umalis ng bansa si Priscilla kamakailan ay hindi nito kasama si John.