Dagupan City – Mas tumataas na ngayon ang job opportunities sa information technology, healthcare, e-commerce at tech spaces sa bansa.

Ito ang kinumpirma ng isang job search platform. Kung saan ay sinabi ni Bossjob Country Manager Kimberly Chen na nakababahala na tumataas pa rin ang unemployment rate sa bansa.

Ayon kay Kimberly, magho-host ang Bossjob ng isang job fair sa SMX Convention Center mula July 13-14.

--Ads--

Bukod naman sa 120 kompanya na mag-aalok ng hanggang 3,000 trabaho, binigyang diin din nito na magkakaroon ng booth na magpapakita sa mga empleyado kung paano sila magkakaroon ng karagdagang kasanayan sa kani-kanilang industriya.

https://pilipinomirror.com/inaasahan-ngayong-taon-trabaho-pa-sa-it-healthcare-e-commerce/