DAGUPAN CITY- Ngayong araw ay ginugunita ang ika-123rd na Labor Day o araw ng manggagawa.
Bilang bahagi sa selebrasyon ay nagsagawa ang Public Employement Service Office o PESO katuwang ang Department of Labor and Employment o DOLE Region 1 dito sa bayan ng Lingayen ng job fair.
Ayon sa naging panayam kay Richelle Reguindin ang siyang provincial PESO manager, na na target nila ang nasa 300 na aplikante sa kanilang isinagawa job fair.
Mayroong mahigit 8000 na na job vacancies sa buong region 1 mula sa iba’t ibang company ang kanilang inimbitahan para sa naturang aktibidad.
Kabilang ang DSWD, DOH, TESDA, BJMP Dagupan City at iba pang mga katuwang na ahensya.
Sa ngayon ay maroon ng apat na maswerteng hired on the spot o hots ang nakuha para rin sa iba’t ibang kompanya sa local at overseas company.
Mayroong 20 na local companies at 3 international company ang kaisa sa aktibidad.
Dagdag pa nito na tumataas na rin ang employment rate dito sa probinsya at tuloy tuloy din anya ang mga ginagawang aktibidad upang mapabuti ang mga residente dito sa probinsya at hindj na sila mahirapan sa paghahanap ng trabaho, kaya naman sila na mismo ang lumalapit.