Muling nagkita sina comedy queen Ai Ai Delas Alas at isa sa mga anak-anakan niya sa showbiz industry na si Jiro Manio.
Nangyari ang muling pagkikita ng dalawa sa latest episode ng isang talk show.
Ayon kay Jiro, na-touch daw siya dahil ngayon na lang ulit sila nagkita ni Ai Ai makalipas ang mahabang panahon.
Sinabi ng dating child actor na mas pinili niyang magbago hindi lang para sa sarili kundi para sa mga naging inspirasyon niya tulad ni Ai Ai.
Matatandaang sinubukan ni Ai-Ai ngayon na buhayin ang karera ni Jiro at tulungan itong makaalis sa bisyo noong 2015.
Ngunit bigo ang komedyante na mapagbago si Jiro kaya’t naputol ang kanilang koneksyon.
Sa kasalukuyan ay tila naging maganda naman ang rehabilitasyon kay Jiro at unti-unti nang nagiging aktibo muli sa showbiz.