Umabante sa finals ng Cincinnati Open si world No. 3 Jessica Pegula matapos talunin ang defending champion na si Iga Swiatek, 7-5, 4-6, 6-4.

Nahirapan si Pegula matapos maungusan ni Swiatek sa deciding set, ngunit nakabawi ang American tennis star at naitabla ang laro sa 4-4. Nakuha niya ang mahalagang break sa sumunod na game bago tuluyang isara ang laban.

Umabot ng 2 oras at 47 minuto ang kanilang laban.

--Ads--

Sa finals, makakaharap ni Pegula ang mananalo sa semifinal nina Coco Gauff at Sara Bejlek.

Samantala, umabante rin sa men’s finals si Arthur Fils matapos talunin si Flavio Cobolli, 6-3, 6-4.