BOMBO DAGUPAN – Hindi lilipat sa kabilang network si Jennylyn Mercado, ito ang nilinaw ng kanyang long-time manager na si Becky Aguila sa pamamagitan ng isang statement na inilabas kamakailan lamang.

Kaugnay ito ng kumalat na espekulasyong lilipat ng kabilang network si Jennylyn matapos siyang hindi mapanood sa kanyang original network na station id na ipinalabas.

Marami ang nagtaka at nagtanong kung bakit wala si Jennylyn gayong isa siya sa pinakamalaking bituin ng network.

--Ads--

Maliban dito ay homegrown artist din ang aktres dahil nagsimula siya sa reality-based artista search ng network na StarStruck noong 2003, kung saan siya ang itinanghal na first Ultimate Female Survivor.

Ayon kay Becky, nananatiling loyal si Jennylyn sa network nito. Wala raw si Jennylyn sa station ID dahil hindi available noong araw na iyon.