BOMBO DAGUPAN – Hiwalay na sina Jennifer Lopez a.k.a J.Lo at Ben Affleck matapos ang dalawang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Ayon sa ulat, naghain ng divorce si J. Lo sa Los Angeles County Superior Court noong August 20, 2024, sakto ito sa mismong araw ng pagdiriwang nila ng second wedding anniversary.

Wala pa ring isinasapubliko si J.Lo kung may prenuptial agreement sila ni Ben na kailangang maayos bago tuluyang mapawalang-bisa ang kanilang pag-iisang dibdib.

--Ads--

Unang na-link sina J.Lo at Ben sa isa’t isa noong 2001 nang magkasama nilang pagbidahan ang Hollywood movie na Gigli.

Sa isang panayam, inamin ni J.Lo na hindi niya akalaing mauuwi sa seryosong relasyon ang noo’y biruan lang nila ni Ben.

Hanggang ma-engage sila noong November 2002, pero nag-break din sila noong January 2004.

Pagdating ng 2021, muling nagtagpo ang kanilang mga landas at nagkaroon ng second chance na ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan.

August 20, 2022, ikinasal ang dalawa sa Los Angeles, California.

Sa dalawang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, hindi binayayaan ng anak sina J.Lo at Ben.

Ngunit may dalawang anak si J.Lo sa ex-husband na si Marc Anthony habang si Ben naman ay may tatlong anak sa ex-wife na si Jennifer Garner.