Mga kabombo! Mahilig ka ba sa mga larong block building, partikular na ang Jenga?

Isang lalaking Chinese na mas kilala bilang si Card Architect ang matagumpay na nakapagtala ng apat na Guinness World Records sa loob lamang ng ilang araw, kabilang na dito ang pag-stack niya ng 3,149 jenga blocks sa nag-iisang block na nakatayo.

Matapos mahigitan ni Tian Rui ang mga nauna niyang records ay binaling niya naman ang kaniyang atensyon sa Jenga blocks, at hinigitan ang record ng ‘most stacked Jenga blocks’.

--Ads--

Mas binigyan niya pa ito ng challenge at sinubukan gawin ang katulad ng pag-stack ng malalaking jenga blocks kung saan nagawa ito gamit ang 918 blocks.

Sa iisang nakatayong jenga block bilang natatanging base, unti-unti niya naman itong pinapatungan ng iba pang piraso ng jenga.

Bagaman napakahirap nito, ani Rui, nagamit niya ang ilan taon niyang pag-eensayo at sa pagiging expert stacker niya.