Humingi ng tawad ang negosyanteng si Jam Ignacio sa kaniyang fiancée na si Jellie Aw na nagakusa sa kaniya ng pananakit.
Mistulang isang maamong tupa na sinabi ni Jam na pinagsisisihan nito ang pananakit kay Jellie.
Ayon kay Jam, ang pambubugbog niya rito ay nagsimula sa hindi nila pagkakaunawaan at nahaluan pa umano ng pagod.
--Ads--
Inulit nito na ang nais na makasama ang vlogger at nagmamakaawa na ayusin nila ang kanilang gusot.
Wala pang reaksiyon si Jellie tungkol sa pahayag ni Jam.
Matatandaan sa mismong Valentine’s Day ay pormal na naghain ng reklamo si Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pambubugbog sa kanya.