Nagkita muli si Ivana Alawi at ang pedicab driver na si John, na nagsundo sa kanya papuntang paaralan 20 taon na ang nakalipas.
Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Ivana, ang kaniyang ala-pedicab-driver na experience habang inaalala ang mga araw na siya ay isinusuong ng pedicab papuntang school mula 11 hanggang 13 taong gulang.
Matapos ang ilang taon, hinanap ni Ivana si John upang pasalamatan siya.
Ibinahagi naman ng driver ang isang kwento ng kanyang sakripisyo nang isang block ng semento ang bumagsak sa kanyang paa habang nagdadala ng pasahero.
Hindi matandaan ni Ivana ang eksaktong pangyayari, ngunit ipinahayag niyang na-touch siya sa kwento.
Bilang pasasalamat, binigyan ni Ivana si John ng ₱20,000 na cash at ₱10,000 pa para sa dialysis ng asawa nito.
Sa pagtatapos ng kanilang reunion, binigyan ni Ivana si John ng biyahe gamit ang pedicab, ngunit ngayon, siya naman ang nagmaneho.