Inaresto ng mga operatiba ng PDEA Pangasinan sa pakikipagtulongan ng ibang ahensya ang itinuturing na high value target dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay PDEA Pangasinan Asst. Provl. Officer/Team leader Rechie Camacho, hindi bababa sa 50 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000 ang nakumpiska sa suspek na si Jerwin Liabres. Nahuli ito sa pamamagitan ng buy bust operation sa De Venecia Rd. Brgy. Lucao, Dagupan City.

Kabilang sa mga nakumpiska sa kanya bukod sa droga ay isang cellphone, isang motorcycle , isang piraso ng genuine 1000 peso bill at 199 piraso ng 1000 peso boodle money , (1) brown belt bag at Prof. Drivers license.

--Ads--

Nahuli ito sa tulong na rin ng kanilang informant.

Sinabi pa ni Camacho na naaresto na ito noong taong 2014, nasentensyahan at nakulong sa Muntinlupa pero nakalabas siya noong 2019. Noong lumabas siya ay lalo pang lumawak ang kanyang network at area of operation.

Rechie Camacho, PDEA Pangasinan

Pinaniwalaan na sakop ng kanyang operasyon ang mga bayan ng San Fabian, Mangaldan, Calasiao, Santa Barbara, lungsod ng Dagupan, at lungsod ng Urdaneta.

Ang kanyang mga contact na drug peronalities ay newly identified pero tinututukan na sila ngayon ng mga otoridad.