Hindi isyu sa politika o ano pa man ang naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity bagkus ito ay isyu sa hustisya.
Yan ang binigyang diin ni Atty. Neri Colmenares – Counsel for victims, National Union of Peoples’ Lawyers kung ano man ang rason ni Pangulong Marcos sa kaniyang naging pagsuporta sa Interpol ay pansariling rason niya lamang iyon at hindi maikakaila na ang isyu hinggil sa pagbibigay ng hustisya sa mga naging biktima ng drug war ng nakaraang administrasyong Duterte ay ang pinakapokus ng kaso.
Aniya na sa tagal ng mga panawagan ng mga kaanak ng biktima ay ngayon lamang sila magkakaroon ng forum upang mailabas ang kanilang mga hinaing gayundin ang kanilang mga ebidensiya.
Dahil dito ay nagkaroon din sila ng lakas ng loob upang magfile ng complaint.
Bagama’t ay magsisilbing hamon ang paglalabas ng official documents sa bansa lalo na sa pagkuha ng ebidensiya.
Marahil ay naging isyu ang hindi pagbibigay ng police blotter sa mga biktima noong kasagsagan ng drug war gayundin ang pagdodoktor sa mga death certificate ng biktima.
Ang kasong kinakaharap naman ni dating Pangulong Duterte ay walang hinihinging numero mapatunayan man na pumatay ng 50 o 50, 000 ay maituturing na crimes against humanity parin ito.
Lalo na at alam nito ang nangyaring patayan noong kaniyang administrasyon.