Inanunsyo ni Israel’s Foreign Minister Gideon Sa’ar ang pagpapasara ng embahada ng Israel sa Ireland, na itinuturing niyang isang hakbang na dulot ng ‘extreme anti-Israel policies’ ng pamahalaan ng Ireland.

Ayon kay Sa’ar, ang desisyon ng Ireland na kilalanin ang isang estado ng Palestine at ang pagsuporta nito sa aksyon ng South Africa laban sa Israel sa International Court of Justice (ICJ) ay isang matinding hakbang laban sa Israel, na hindi tinanggap ng Israeli government.

Nagpahayag ng panghihinayang ang Punong Ministro ng Ireland na si Simon Harris sa desisyon ng Israel at mariing itinanggi ang mga akusasyong anti-Israel.

--Ads--

Ayon kay Harris, ang Ireland ay nananatiling tapat sa mga prinsipyo ng kapayapaan, karapatang pantao, at internasyonal na batas.

Ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa ay patuloy na lumalala matapos ang desisyon ng Ireland na kilalanin ang Estado ng Palestina at ang paglahok nito sa isang kaso sa ICJ na isinampa ng South Africa, na may kaugnayan sa paratang ng genocide laban sa Israel sa Gaza.