Nasawi ang 27-anyos na lalaki matapos aksidenteng madikit sa balat nito ang isang live electric wire.

Kinilala ang biktima na si Vicente De Guzman, residente ng Brgy. San Isidro, sa bayan ng Binmaley.

Si De Guzman ay isang welder at nangyari ang insidente sa kanyang pinagtatrabuhan na Sidecar and Garong Shop sa Brgy. Tandoc, sa syudad ng San Carlos.

--Ads--

Ayon kay Plt Mc Kinley Mendoza, ang Public Information Officer ng San Carlos City PS, sa kanilang imbestigasyon, nakahiga ang biktima sa ilalim ng garong habang nagkukumpuni sa ipinapaayos ng kanyang customer, aksidenteng madikit sakanya ang live wire, dahilan para siya ay biglang nakuryente.

Maayos naman umano ang Welding Shop at wala ring ibang nadamay.

Dinala naman sa ospital ang biktima ngunit idineklara na itong Dead on Arrival.

Dagdag pa niya na ngayong araw din ay pagkakasunduan na ng pamilya ng biktima at ng may-ari ng welding shop sa kung anong mga aksyon ang kanilang gagawin patungkol sa insidente.

Nagpaalala rin sin Plt Mendoza sa mga iba pa na may trabahong katulad ng biktima na maging alerto sa paligid dahil nakamamatay ang mga insidenteng maaaring mangyari sa kanilang pinagtatrabuhan.

Ito naman umano ang unang insidente ngayong taon na may nasawi dahil sa nakuryente.

Matatandaan na may nasawi ring bata noong nakaraang taon dahil rin sa nahawakang live wire habang umaakyat sa puno.