DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Ano ang sinasakyan mo papuntang eskwelahan?

Isa ka rin ba sa mga naiinis dahil sa rush hour at traffic?

Paano kung malaman mong mayroong train station sa Thailand na isa lamang ang pasahero!

--Ads--

Isang maliit at liblib na trai station kasi sa Khiri Rat Nikhom District, Surat Thani ang naging sentro ng usapan online matapos kumalat ang video ng isang estudyanteng araw-araw naghihintay ng tren sa lugar na tila nalilimutan na ng panahon, ang Khao Lung Halt.

Ayon sa magulang ng bata, araw-araw nila itong sinasamahan sa hintuan tuwing umaga at sinusundo tuwing hapon matapos ang klase.

Ang rutang tinatahak ng estudyante ay bahagi ng tren 489/490 Surat Thani – Khiri Rat Nikhom, na siyang pinakamaikling ruta ng tren sa Thailand, may habang 35 kilometro.

Karamihan sa mga pasahero nito ay mga estudyante at lokal na residente. Nanatiling bukas ang ruta hindi lamang para sa serbisyo, kundi para mapanatili ang riles laban sa pagnanakaw o pag-okupa.

Ayon sa history, kahalintulad ito sa kwento ng Kami-Shirataki Station sa Hokkaido, Japan, na nanatiling bukas para sa isang estudyante lamang hanggang siya ay makapagtapos.