Nagpositibo sa COVID-19 ang isang pulis na naka destino sa bayan ng Bani at nangungupahan mula naman sa Sitio Sadsaran, barangay Poblacion ngunit residente ng lungsod ng Alaminos.
Batay sa Facebook post ng alkalde ng Bani na si Mayor Gwen Palafox-Yamamoto, panandaliang isasara ang naturang bayan mula kahapon, Hunyo 6 ng 6:00 ng hapon hanggang Miyerkules, Hunyo 10 ng 6:00 ng umaga.
Dahil diyan ay walang maaaring lumabas o pumasok sa nasambit na bayan dahil kanilang isasagawa ang malawakang contact tracing.
--Ads--
Dagdag pa rito ay ang paghingi sa publiko ng pang-unawa mula sa kanilang lokal na pamahalaan.