DAGUPAN CITY- Nawalan ng control ang isang pampasaherong bus na mayroong sakay na 22 katao na nagresulta sa pagkabangga at pagtagilid ng sasakyan sa bayan ng Villasis dahil sa madulas na kalsada.

Ayon kay PMAJ Edgar Allan G. Serquina- Chief of Ploce ng Villasis, isang pampasaherong bus ang nawalan ng kontrol at lumihis sa kalsada dahil sa madulas na daan dulot ng malakas na pag ulan at sumalpok sa mga bato.

Kinilala ang drayber na si Ryan Oliver Teja Perez, 35 taong gulang, drayber ng bus, at residente ng Brgy. Santa Maria, Alaminos City, Pangasinan kasama ang dalawang konduktor nito at mga pasahero.

--Ads--

Bilang resulta, ang drayber, mga konduktor, at mga pasahero ng bus ay nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan at dinala ng mga tumugon na personnel sa pagamutan.

Nagkaroon din ng pinsala ang pampasaherong bus.

Samantala, hindi na rin nagsampa ng kaso o complain ang mga sakay na pasahero sa driver at pinag-usapan na lamang ang pagsagot sa medikal na gastusin ng mga ito.