Mga Ka-bombo! Isa ka bang Marine Enthusiast?

Siguradong mabibigla ka sa balitang ito, dahil isang misteryosong black sea monster ang lumitaw sa isang dagat.

Isang hindi pangkaraniwang nilalang kasi mula sa kailaliman ng dagat ang nakita ng isang shark research group sa Tenerife, Spain.

--Ads--

Kinumpirma ang isdang ito bilang humpback anglerfish, na kilala rin bilang “black sea monster,” at kadalasang matatagpuan sa mga lalim ng dagat na umaabot sa 1,500 metro, kung saan wala nang liwanag mula sa araw.

Ayon sa mga eksperto ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakitang buhay ang isang adult black anglerfish sa ibabaw ng dagat at sa liwanag ng araw.

Ang nakitang anglerfish ay isang babaeng Melanocetus johnsonii, na kilala sa pagkakaroon ng dorsal appendage na may bakterya na naglalabas ng liwanag upang mag-akit ng mga pang-akit, tulad ng mga crustacean at isda.

Samantalang ang mga lalaki ng anglerfish ay maliit, hindi agresibo, at naghahanap lamang ng kapareha sa kanilang buong buhay.

Ang natuklasang ito ay nagbigay liwanag sa mga kaalaman ukol sa mga nilalang na matagal nang itinuturing na misteryoso sa kalaliman ng dagat.