BOMBO DAGUPAN – May kakaibang scam ng isang mag-asawa sa Gurugram, isang lungsod sa India.

Nagdadala raw ang mag-asawa ng patay na langaw kapag kumakain sa mga mamahaling kainan sa Delhi at Gurugram.

Ayon sa ulat, pag nangalahati na ang mag-asawa sa kanilang in-order na food, ilalagay na nila ang patay na langaw saka tatawagin ang atensiyon ng restaurant staff.

--Ads--

Kapag nangangalahati na ang mga ito sa kanilang in-order na mga pagkain, ilalagay ng couple ang patay na langaw sa plato at ihahalo sa food.

Mag-iingay ang mag-asawa o gagawa ng eksena saka tatawagin ang staff ng restaurant para ipakitang may patay na langaw sa kanilang pagkain.

Pagbabahagi ng mga nakasaksi, ginagawa lang ng mag-asawa ang scam “just for fun.”

Sa tingin kasi niya sa couple, hindi naman naghihirap ang mga ito at mukhang nakakaluwag naman sa pera.

Paglalarawan ng iba sa couple, posibleng hindi nga kapos ang mga ito sa pera pero kulang sa basic civic sense at moralidad.