DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Kapag sinabing drone, ang madalas na pumapasok sa utak ng tao ay photography o cinema.

Ngunit, kakaiba ang ginawang strategy ng China dahil imbes na gamitin ang drone na pagkuha ng litrato o video, ginawa ito light show?

Muli kasing pinatunayan ng China ang galing nito sa teknolohiya matapos magtala ng bagong Guinness World Record sa pamamagitan ng isang napakalaking drone light show na nilahukan ng 11,787 drones.

--Ads--

Ang makasaysayang palabas na pinamagatang “Charming Chongqing” ay isinagawa, kung saan tinatayang mahigit 100,000 katao ang dumagsa sa downtown Chongqing upang masaksihan ang makulay na pagpapalipad ng mga drone.

Ilan sa mga tampok na disenyo sa kalangitan ay hango sa kasaysayan at kultura ng Tsina, kabilang na ang makukulay na bulaklak, mga detalyadong gusali, at mga lokal na mascot.

Bawat galaw ng drone ay maingat na kinalkula upang makabuo ng eksaktong mga hugis.

Ayon sa mga organizer, ilang ulit nilang inulit ang rehearsal at debugging upang matiyak na walang aberya sa mismong gabi ng pagtatanghal.