Wala ng buhay nang ibaba sa poste ng kuryente ang isang 32-anyos na lalaki matapos itong makuryente sa brgy. Calapugan sa bayan ng Natividad, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Nante Manalo, isang lineman, tubong Plaridel Bulacan at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Poblacion East, Natividad.
Ayon kay PCapt. Rommel Sembrano, ang Chief of Police ng Natividad PNP naganap ang insidente sa Brgy. Calapugan na kung saan nakatanggap sila ng tawag na may nangyaring insidente ng pagkakuryente.
Batay sa imbestigasyon, ikinakabit ng biktima ang PLDT cable wire sa isang poste ng kuryente ng Pangasinan Electric Company (PANELCO) na kung saan aksidenteng mahawakan ang isang high tension wire na naging dahilan ng pagkakuryente nito.
Nakasabit pa ang biktima sa poste ng ito ay ibaba ng mga otoridad at agad na isinugod sa Eastern Pangasinan District Hospital (EPDH),sa bayan ng Tayug, ngunit ideneklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.




