DAGUPAN CITY- Hindi na nakaligtas pa ang isang 27 anyos na lalaki sa lungsod ng Alaminos matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa concrete post.

Ayon kay PEMS Gerlad Mamanta, Chief Investigator ng Alaminos PNP, binabagtas ng biktima ang daan pauwi sa kanilang tahanan nang nalihis ito sa daanan at nabangga sa isang concrete post sa Brgy. Victoria, sa nasabing syudad.

Ani Mamanta, maliban sa wala itong suot na protective gear at walang dalang lisensya, napag-alaman din nilang nasa impluwensya ito ng nakalalasing na inumin.

--Ads--

Nagtamo ito ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan kaya agad din nila itong dinala sa malapit na pagamutan subalit dineklara din itong dead on arrival.

Samantala, nag paalala naman si Mamanta na mag iingat sa tuwing nagmamaneho dahil maaaring makadamay pa ng ibang tao.