Hindi nakatakas ang isang lalaki sa Florida, USA matapos nitong tangayin ang apat na diamond earings at lunukin ito.

Nagsimula ang insidenteng ito matapos pumunta ang suspek sa isang jewelry store at aniya, interesado ito bumili ng mga earings at isang diamond ring, sa ngalan ng isang NBA player ng koponan na Orlando Magic.

Dinala siya sa isang VIP room kung saan niya makikita ang mga alahas, ngunit, saglit lamang nang tumalon ito mula sa kaniyang kinauupuan at tinangay ang mga alahas.

--Ads--

Sa pamamagitan ng security footage ay natukoy nila ang plaka ng kaniyang sasakyan at kanilang hinanap ito.

Subalit, ilan linggo ang nakalipas, naaresto rin ang biktima sa Washington Couty, may layo itong 340 miles mula sa pinangyarihan, hindi dahil sa ginawa niyang krimen kundi dahil sa pagmamaneho nang walang rear lights.

Ayon sa isang police officer, narinig nito ang suspek na tila pinagsisihan hindi nito ibinato sa bintana ang mga alahas. Pagdating naman sa kulungan, tinanong nito ang isang staff kung mahahatulan ba siya ng kaso nang dahil kung ano ang nasa tiyan niya.

Bagaman na-recover mula sa kaniya ang ilan sa mga earings, subalit dinala naman siya sa ospital upang ma-recover pa ang ilan sa mga natitirang ebidensya.

Nagkakahalaga naman ng $770,000 ang ninakaw ninyang apat na earings. Tumugma ang mga serial numbers nito sa mga ninakaw na alahas sa naturang Jewelry store.