Hindi lang isang world record ang natanggap ng isang estudyante sa Breinigsville, Pennsylvania, kundi isang pangarap na nakamit.
Nahigitan ni Joshua Kiser ang record ng world’s tallest hat matapos siyang makagawa ng 17 foot & 9.5 inch cap.
Sinimulan niya ito nang mag-umpisang magsara ang kanilang unibersidad dahil sa nakaraang Covid-19 pandemic. Nag umpisa siya sa paghahanap ng inspirasyon sa Guinness World of Records hanggang sa makita niya ang litrato ng isang lalaki na may suot na malaking sumbrelo.
Ang nasa litrato ay si Odilon Ozare, ang may naturang record noong 2018 dahil sa 15-foot, 9-inch hat na kaniyang nagawa.
Tumatak aniya ito sa kaniya kaya naghanap din siya agad ng mga materyales na kaniyang kakailanganin upang gawin ito.
Sa kaniyang unang pagsubog ay hindi ito naging matagumpay. Samu’t saring materyales ang kaniyang sinubukan gamitin, kabilang na ang Velcro at chicken wire.
Dahil kumbinsido si Kiser na makakamit niya ang kaniyang pangarap, sumubok pa siya ng ibang paraan. Nilagyan niya ito ng expanding foam at binalutan ng Santa-style red fabric para sa panlabas na aniyo.
Nagawa niya itong mailakad sa kinakailangang distansya na 32.8 feet habang suot ang kaniyang 26.4-pound hat upang tuluyang mapasakamay ang titulo.