Mga kabombo! Ilang push-up ang kaya mo sa tuwing nag-eehersisyo ka? Hirap ka na ba higitan ang 20 beses?

Isang lalaki sa Amerika ang tila nagpaka-Hercules sa lakas nang makapagtala ito ng World Record sa may pinakamaraming push-up sa loob ng 24 oras.

Isang come-back record ang ginawa ni Truet Hanes sa nasabing record dahil kaniya na itong nakamit, 2 taon na ang nakalilipas. Sa halos isang araw na pagsasagawa ng push-up, nakagawa ito ng 8,100 na bilang. Subalit, hindi pa nakalilipas ang isang araw ay nahigitan na ito ni Gary Lloyd, isang Australian, na may kabuoang bilang na 8,600.

--Ads--

Sa come-back record ni Hanes, nakapagtala ito ng malaking agwat sa record ni Llyod dahil sa loob ng 24 oras, nakagawa ito ng 10,001 push-ups.

Sa record na ito, hindi lang pagbawi sa record ang kaniyang nakamit dahil aniya, natutunan niyang hindi sumuko.

Bagaman hindi naging madali ito para sa kaniya, hindi niya ito sinukuan at handa siyang abutin ng ilang taon para lamang magtagumpay.