Mga kabombo! Hanggang saan ang kaya mong gawin para lamang makalayo ka sa “tukso”?
Tila kakaiba kasi ang kayang gawin ng isang lalaki kung saan, ikinulong nito ang kaniyang sariling ulo sa isang cage para lamang makaiwas sa paninigarilyo?
Ayon sa ulat, 26 years nang naninigarilyo ang kinilalang si Ibrahim Yucel mula sa Turkey.
Kung saan, upang tuluyan nang ihinto ang kanyang bisyo na nakakaubos ng dalawang kaha ng kanyang paboritong brand sa loob ng isang araw, pinili nitong gumawa ng head cage na yari sa copper wire at ini-lock doon ang kanyang ulo para hindi siya makapanigarilyo.
Aniya, ang motorcycle helmet ang pinanggalingan mismo ng kanyang naisip na idea.
Dito na umano ibinigay ni Ibrahim ang susi ng copper head cage sa kanyang misis at anak na babae para hindi siya matuksong buksan iyon kapag inatake siya ng urge na manigarilyo.
Sa kaniyang cage kasi ay hindi kasya sa pagitan ng copper wire ang cigarette stick.
Ngunit hindi lang sa paninigarilyo siya nahihirapan, kundi maging sa pag-inom at pagkain, nahirapan si Ibrahim Yucel dahil sa kanyang metal cage.
Aniya, gumagamit siya ng manipis na straw para makasipsip ng tubig. Isinisingit naman sa pagitan ng copper wire ang mga piraso ng crackers para makakain siya. Sa kabila nito, naging determinado si Ibrahim.
Ang tweet—na patuloy pa ring naibabahagi sa iba’t ibang social media platforms hanggang ngayon—ay mayroon nang 185.4K reactions at 2.3 replies.
Napag-alaman ding kahit sa paglabas ng bahay, suot ni Ibrahim ang copper head cage.