DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Mahilig ka ba sa ibon upang gawing pet.

Paano na lamang kung ang iyong pet ay makasira ng mga mamahaling bagay?

Isang agresibong woodpecker kasi ang gumagawa ng gulo sa Estados Unidos matapos masira ang mahigit 25 sasakyan.

--Ads--

Ayon kay Janelle Favaloro, residente ng lugar, nakuhanan pa niya ng litrato ang ibon habang pinupukpok ang salamin ng isang sasakyan gamit ang matulis nitong tuka.

Biro pa niya sa social media, na may vandal sa kanilang lugar.

Mga 18 to 24 inches ang taas, suot ay itim-puti at may pulang ‘hat.’

Kadalasang target ng ibon ay mga side mirror at bintana ng mga sasakyan, na pinaniniwalaang dahil sa pagkakita nito ng sariling repleksyon.


Dahil dito, ilang residente ang nagsimula nang balutan ng plastic o sweater ang mga salamin ng sasakyan bilang proteksyon.


Kwento naman ni Mike Foster, nabasag pa ng ibon ang kanyang bintana habang nakaupo siya sa loob ng kanyang pickup truck.