DAGUPAN CITY- Matagumpay na naaresto ang 48 anyos na Construction Worker sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Tarece sa syudad ng San Carlos.
Ayon kay PCPT Rowell Isit, Team Leader Team 2 (PDEG Pangasinan, kinilala ang suspek na si Isagani “Gani” Soriano, residente ng Barangay San Vicente, sa bayan ng Calasiao, at kabilang ito sa mga High Value Target.
Aniya, umaabot sa bigat na 50 grams ang nasawatan hinihinalang shabu sa suspek at ito ay may katumbas na P340,000.
Kasalukuyan itong nakapiit sa San Carlos City PNP habang inaantay ng PDEG Pangasinan ang Commitment Order.
Naaresto naman ang suspek sa pamamagitan ng mga impormasyon na ibinahagi ng mga drug personality sa kanilang himpilan.
May nakuha rin umano silang pangalan mula sa suspek na maaaring sangkot din sa illegal na aktibidad at kanilang bineberipika ito.
Samantala, patuloy pa rin ang kanilang pakikipagtulungan sa iba’t ibang lokal na ahensya upang malabanan ang aktibidad na kinasasangkutan ng illegal na droga.