Dagupan City – Ibinahagi ng isang guro sa lungsod ng Dagupan ang kahalagahan ng mga guro ngayong National Teachers’ Month.

Ayon kay Jerome Idos, Program Head ng College of Arts and Sciences sa University of Pangasinan, ang mga guro ay hindi lamang tagapagturo kundi itinuturing ding pangalawang magulang ng mga estudyante.

Aniya, na bagama’t hindi siya nagtapos sa kursong edukasyon—bagkus ay sa psychology—mas pinili niyang magturo dahil sa nakita niyang kahalagahan ng paggabay sa mga kabataan gaya na lamang ng value at essence ng pagtuturo sa mga estudyante.

--Ads--

Kuwento pa niya, ilan sa mga pinakamaliligayang karanasan niya bilang guro ay ang simpleng paggunita sa mga espesyal na araw kasama ang mga estudyante.

Binibigyang diin din ni Idos ang kahalagahan ng pakikinig at pagbibigay ng payo sa mga mag-aaral, lalo na sa mga first year college students na dumaranas ng separation anxiety dulot ng transition mula sa high school patungong kolehiyo.

Panawagan naman niya sa kaniyang mga kapwa guro na samahan ang mga estudyante sa kanilang paglalakbay.

Kung saan ay kinakailangang kilalanin ang mga ito kung saan sila mahina at saan sila magaling, upang mas matutukan at maitaguyod ang kanilang mga sarili.