BOMBO DAGUPAN – Mga Kabombo! Hanggang saan ang kaya mong gawin para lamang makakita ng abs?

Kung ang iba ay dadaanin sa maayos na paraan aba ay ibahin ang isang lalaking guro sa Cebu City dahil inireklamo ito sa pagkagat umano nito sa dalawang estudyanteng lalaki.

Bagamat ang isang biktima ay pinaghuhubad raw para makita ang kaniyang abs habang ang edad 17 at 14 naman na iba pang mga estudyante ay kinagat umano ng guro sa likod at braso.

--Ads--

Kaugnay niyan ang ama ng isa sa mga estudyante na isang pulis, ay desidido na sampahan ng reklamo ang guro.

Pagbabahagi ng amang pulis na sinabihan umano ng guro ang kaniyang anak na hubarin ang t-shirt para makita ang abs nito.

Nagbanta pa raw ang guro sa estudyante na may hindi magandang mangyayari sa kaniya kapag hindi sumunod. Pero kahit naghubad na raw ang binatilyo, kinagat pa rin rin umano ng guro ang estudyante sa likod na nag-iwan ng marka.

Dinala naman ng ama ang kaniyang anak sa ospital para ipa- medical examination at nagreport sa police station para sampahan ng reklamo ang guro.

Samantala, naging emosyonal naman ang ina ng isa pang estudyante nang malaman niya ang mga pahiwatig na pagsasamantala umano ng guro sa kaniyang anak na kinagat naman sa braso.

Nagpunta ang mga magulang sa chairman ng barangay na nakasasakop sa lugar para magsampa rin ng reklamo laban sa guro.

Isasailalim naman sa counseling at debriefing ang mga estudyante at mga kaklase nito na nakakita sa insidente bilang psychological interventions.