DAGUPAN CITY- Aksidente ang inabot ng isang garong sa syudad ng San Carlos nang ibaba nito ang kaniyang lulan sa isang waiting shed.

Ayon kay PLt. MC Kinley Mendoza, Public information Officer ng San Carlos City PNP, kinilala ang dalawang sangkot na drayber na sina Raymundo Moneda Jr., 65 taon gulang, nagmamaneho ng garong, business owner, walang lisensya, at residente ng Brgy. Calobaoan, sa parehong lungsod. Habang minamaneho naman ni Maricel Sison ang isang sasakyan, 54 anyos, Municipal Local Government Operation Officer, at residente naman ng Brgy. Doyong, sa bayan ng Calasiao.

Ayon umano sa nakasaksi, habang naka-parking ang garong sa isang waiting shed nang nasagi ng sasakyan ang left steering handle ng nasabing garong. Ito ang naging sanhi ng aksidente.

--Ads--

Nagtamo ng galos sa kaliwang braso si Moneda at nasira ang side portion at steering bar ng kaniyang sinasakyan.

Habang wala man natamong sugat si Sison, nasira nagkaroon din ng sira ang left side portion ng sinasakyan nito.