DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo, mahilig ka ba sa mga video games o simulation?
Paano kung may magsabi sayong hindi mo na kailangang pumunta ng arcade para malaro ang mga ito?
Maaari po na kasi itong dalhin sa iyong mga palad!
Gumawa kasi ng makabagong makina ang isang estudyante mula sa London na si Victoria Korhonen at ipinakita ang makinang arcade na kaya mong bitbitin sa iyong mga palad.
Bagamat maliit, ang larong Pong sa loob nito maaaring laruin.
Gamit ang dalawang maliit na button na “up” at “down,” ang gameplay ay kagaya ng orihinal na Pong mula 1972.
Ngunit, para sa Guinness, hindi lang ang itsura ng makina ang mahalaga, kailangang matugunan nito ang isang mahigpit na listahan ng mga pamantayan upang hindi mabigo ang rekord.
Inatasan ang isang propesor upang tiyakin na nasusunod ang mga requirements.
Matapos ang mga pagsusuri, iniimbitahan si Victoria na makita ang resulta.
Nagbunyi ang mga tao nang makita ng lahat ang tagumpay ng kanyang likha.
Ang tagumpay na ito ay nagbigay inspirasyon kay Victoria para ituloy ang mga susunod na layunin.
Ang kanyang susunod na target ay lumikha ng pinakamaliit na humanoid robot.
Ngunit ang pangarap ng 26-taong gulang ay lumikha ng mga animatronic characters para sa Disney.
Sa ngayon, kontento si Victoria na baka ipromote ang kanyang Micro-Pong machine, bagamat walang “quarter slot” tulad ng sa mga mas malaking arcade machines.